Ant Head Dress

Ant Head Dress

Nitong nagdaang Linggo ay may lumapit sa akin na Panauhin at nagtatanong kung may ant head dress tayong paninda. Sinabi ko sa Panauhin na wala tayo nito pero nakisuap siya na baka pwede ay gawaan ko siya para sa kanyang anak dahil lalaban raw ito sa contest. Dahil bago sa akin o hindi ako pamilyar sa ganitong pasadya ay nag-alinlangan ako. Pero siguro dahil na rin sa Panday tayo na handang tumanggap ng hamon, malaki o maliit, ay ginawa ko itong hamon sa akin.
Noong una ay wala akong ideya kaya nagtanong-tanong ako kay Maam Tin kung ano ang pwede kong gamitin na materials. Hanggang sa naisip ko ang paninda nating eva foam. Nang matapos ko ito ay ipinakita ko ito sa panauhin at natuwa naman siya sa resulta. Ganoon din ang kanyang anak na magsusuot nito.